Friday, October 17, 2014
Filipino: Wika ng Pagkakaisa
Naging kagawian na ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng isang napakahalagang selebrasyon ng ating bansa tuwing buwan ng Agosto, ang Buwan ng Wika. Sa taong ito, ang buwan ng wika ay may temang, "Filipino: Wika ng pagkakaisa". Ang isinusulong ng temang ito ay ang paggamit ng ating sariling wika bilang intrumento ng pagkabuklod-buklod at pagkakaisa ng ating bayang Pilipinas.
Tunay ngang isang napakaepektibong instrumento ang wika sa pagkakaisa ng mga mamamayan. Walang Pilipinas na mapayapa at nagkakaunawaan kung walang wikang nagiging tulay sa mga ito. ang wika ay may napakalaking papel sa ating bansa. Ito ang nagpapanatili ng kapayapaan ng ating bansa. Sigurado na akong maraming nakakaalam nito kasi napatunayan nam natin ito.
Ang kapangyarihan ng wika ay talagang kakaiba.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment